Mapanglaw na Gabi

Darating din yung araw.
Yung araw na mamimiss mo ko.
Yung araw na marerealize mo kung ano yung worth ko.
Yung araw na maiisip mo na may isang tao na nagmamahal sayo at binalewala mo lang.


Darating din yung araw na maiisip mo bakit mo ako iniwan at magsisisi ka.
Yung araw na di mo na ko makikitang malungkot at nagmumukmok.
Yung araw na maiisip mo kung gaano ako kahalaga sayo.


Darating din yung araw.
Yung araw na hindi na ako ganito.
Yung araw na titigil na akong magsulat ng tungkol sayo.
Yung araw na hindi na ako iiyak ng dahil sayo.
Yung araw na masaya na rin ako tulad mo.
Yung araw na okay na ako.
Yung araw na hindi na ako maghihintay at aasa sayo.


Darating din yung araw.
Yung araw na titigil na akong mahalin ka.


Pero sana bago pa dumating yung araw na yun, bumalik ka na. Mahal pa rin naman kita.

You May Also Like

0 comments