Sanay na Akong Mag-isa


Sanay na akong mag-isa.
Matagal tagal rin bago ako nasanay na maging mag-isa.
Yung bang walang inaasahang iba para sumaya.
Yung maging kumpleto yung araw ko ng dahil sa iba.
Yung maging buo ng dahil sa iba.

Sanay na akong mag-isa.
Sanay na akong gawin ang mga bagay bagay sa buhay ko ng mag-isa.
Manuod ng sine mag-isa.
Mamasyal at magmall ng mag-isa.
Kumain sa fastfood restaurant ng mag-isa.
Maglibot sa bookstores ng mag-isa.
Mamili ng gamit ng mag-isa.
Tumambay sa cafe ng mag-isa.
Kaya kong gawin ang lahat ng yan ng mag-isa.

Sanay na akong mag-isa.
Matulog ng mag-isa.
Gumising ng mag-isa.
Ganyan na ang routine ko.
Lahat ng yan nakasanayan ko ng gawin ng mag-isa.

Sanay na akong mag-isa.
Hindi ko sinasabi ito para matakot ka, para pahirapan ka.
Sinasabi ko ito para maging aware ka na nakasanayan ko ng maging mag-isa.

Ito ay isang paalala na bago ka dumating sa buhay ko ay nasanay na akong mag-isa at kung sakaling balak mong pumasok sa buhay ko hindi magiging madali para sa akin na isama ka sa nakasanayan kong sistema.

At pag dumating yung araw na yun, sana ay ipadama mo sa akin na hindi ko na kailangan maging mag-isa dahil gagawin na natin ito ng magkasama.

You May Also Like

0 comments